10.12.2008

surviving Survivor

I am a big Survivor fan. The Amazon season was the first na nasubaybayan ko talaga. I remember na every week na nagtatribal council, I was writing down the names of those na natanggal na on my mini planner. My favorite castaway then was Rob Cesternino.

Basta ang naaalala ko he was funny and very madaldal for a guy. He also had an alliance with the two beautiful ladies, Heidi and Jenna (the Amazon sole survivor). He wasn't as physically strong as the other guys in the tribe, but he was really mautak. Unfortunately, he ranked 3rd only.

Next naman na sinubaybayan ko: Survivor Pearl Islands. Sa una pa lang, nahumaling na kaagad ako sa castaway na 'to, dahil sa halatang obvious na kaguwapuhan at kamacho-han niya. Burton Roberts.

Navote-out na siya ng maaga pero ang masaya, nakabalik din siya dahil sa isang very unexpected twist of the game. Pero hindi din siya nanalo. He ranked 5th anyway. Another strong personality sa Survivor Pearl Islands was the Hagrid-look-alike Rupert Boneham.


He got voted off the tribe because he was an obvious threat. But he also won a million dollars after being voted by the public as their favorite castaway. Lucky laki man. The winner of this season was Sandra Diaz-Twine, ewan ko nga ba kung bakit. If my memory serves me right, siya yata yung castaway na hindi man lang marunong maglangoy. Sinwerte lang.

Then came Survivor All-Stars, which was the most exciting for me dahil mga returning castaways ang mga kasali. Kajoin ulet si Rob Cesternino dito pero hindi ko na siya naging peboret. Pati si Jenna Morasca kasali ulet kaya lang nagquit siya because she had a bad feeling about her mom who had cancer. A few days after she left the island, her mom died. Naiyak pa nga yata ako eh. Kasali din si Rupert. Ang favorite castaways ko na sa season na 'to ay ang nagkainlab-an na sina Rob at Amber. Amber was the winner, at kahina-hinala pa ang ginawang pagpopropose ni Rob bago ang announcement.


Sadly, after this season, hindi na ulet ako nakapanood for some reasons: wala akong TV sa dati kong dorm, naging busy at kung ano-ano pang kachorvahan.

Pinapanood ko din ngayon ang Survivor Gabon. Si Marcus naman ang bet ko na manalo dito, dahil of course si Doc, mukhang yummy, ay mabait pala!


Then Survivor gets local!

I got really excited when GMA 7 started airing commercials about Survivor Philippines. Dahil sa may TV na ko sa bago kong tirahan masusubaybayan ko na siya and not only that, siyempre dahil mga Pinoys naman ang mapapanood ko. I haven't missed an episode so far. I got gossip from showbizjuice.com (thanks to the equally tsismosero Ace for the site!) about who the winner is. Pero gossip is gossip. I want Kiko to win dahil siya ang pinaka-deserving manalo para sa'kin.


Ako din, gusto ko din sumali sa Survivor hindi para sa pera (echos!), I really want the experience. Nyikes, kayanin ko kaya?! Ilang beses ko na inimagine ang sarili ko na castaway din.

Ang strategy ko, huwag mageepal, magmamarunong, magdadadaldal at higit sa lahat, huwag magrereklamo sa simula pa lang dahil malamang mavote-out ako kaagad. May isa pa pala, huwag magpapatamad-tamad. Magbuhat ng mga kahoy kahit mabigat. Gumawa ng bahay kahit hindi marunong. Maggawa ng apoy kahit sobrang hangin. Basta busy appearance dapat para makita nila ko as important and necessary sa tribe and be spared of being vote out early in the game. Ang problema ko antukin ako, baka palagi kong mafeel ang need for siesta, isipin nila ang tamad ko. Sana na lang may coffee para hindi ako masyado antukin!

Another thing, huwag din magpapakita ng pagka-homesick at pagka-miss sa totoong world dahil makikita nila yun definitely as weakness, ikaw rin.

Sa mga challenges, kailangan galingan dahil pagtatamlay-tamlay ako at natalo tribe ko, baboosh! Pero huwag din masyado galingan kase baka naman makita ako ng mga tribemates ko as threat, eh di baboosh din?!

Then of course I'll have to enter alliances too. Gagi! Mukhang mahihirapan ako dito, magbabase na lang ako sa mga hitsura, kung sino yung mga mukhang sinungaling, hindi ko yun kakausapin. Dun ako sa mga mukhang takot makarma makikipag-alliance. Ang tanong, makipag-alliance kaya sila sakin? haha

Pero ang major concerns ko kung makakasali ako sa Survivor ay ang mga toiletries. Sa dagat ba ko pu-poopoo? Nyay! Pwede bang magdala ng deodorant? Nakakahiya naman, baka may mga tribemates akong gwapo tapos amoy anghit ako. TTO. Total turnoff! Pero sabagay, mabaho din naman siguro kilikili nila kaya quits na. At tsaka nga pala, pwede bang magshorts? Mejo shy kase ako magbikini eh. hehe.. At bago ko pa nga pala makalimutan, do we get to have supplies of sanitary napkins? Siyempre within thirty-nine days panigurado dadalawin ka. Major concern namin yan ng classmate ko habang naguusap kame ng pabulong about Survivor dahil nagdidiscuss ang prof ko. Sabi ko, kapag nafeel ko na dadating na ang dalaw ko, magpapavote out na ko! Kesa naman tagusan. Naykupow!

O yan ang mga dahilan kung bakit kahit gaano ko kagusto jumoin, eh nagaalinlangan din ako. Sana siguro kahit crew na lang, basta maexperience ko din.

Eto nga pala yung bagong billboard namin. :)


3 comments:

ace.ricafort said...

sharry! namiss ko bigla yung mga kwentuhan days natin nung HS sa survivor! haha. tawa ako ng tawa dito sa Mars. gusto ko rin sana mag audition dati sa survivor. hahaha. Pero pag pinapanuod ko sila ngayon sa 7, napapangitan na ako.

"the tribe has spoken"
nakapagsalita na ang tribo.

nkakatawa. haha.

sharry said...

haha. onga! sali ba tayo next time? may strategy na tayo diba? magpapanggap na hindi magkakilala, tas magfoform ng alliance... haha.. i also remember kung pano natin tinukso si keng2 sa pagpronounce niya ng name ni ShaWWna.. ring a bell? ;)

ace.ricafort said...

hahaha! oo nga! oh golly baby wow miss ko na kayo! haha. shaw na. parang shaaaaaw bolevard.